PAO chief Acosta binoldyak uli ng SC

Sa ikalawang pagkakataon, muling inatasan ng Supreme Court (SC) si Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta na magpaliwanag kung bakit hindi siya dapat maparusahan dahil sa paglalabas ng order bilang sagot sa naunang court resolution.

Naglabas ang SC en banc ng ikalawang show cause order at pinagpapaliwanag si Acosta kung bakit hindi siya dapat patawan ng disiplina sa pag-isyu ng PAO Office Order No. 096, bilang tugon sa resolusyon na may petsang Hulyo 11, 2023, ng Korte, na nag-uutos sa PAO na mahigpit na sumunod sa Canon III, Section 22 ng bagong Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).

Ang nasabing Office Order ay nagbigay sa mga abogado ng PAO ng ‘discretion and disposition’ o pagpapasya na sumunod sa Canon III, Section 22 ng CPRA.

Inatasan din umano ni Acosta ang mga abogado ng PAO na isama ang probisyon ng CPRA sa Article 209 ng Revised Penal Code – na nagpaparusa sa betrayal of trust at pagbubunyag ng mga sikreto ng mga abogado – upang maiwasan ang anumang kriminal na pananagutan o pagkakulong.

Tinawag ng SC ang kautusan na isang “insinuation that compliance with the CPRA will amount to the commission of such offenses.”

Noong Hulyo 11, 2023, pinagpaliwanag na rin ng SC si Acosta kung bakit hindi siya dapat i-cite in indirect contempt at disiplinahin sa walang humpay na pagbanat sa Canon III, Section 22 ng CPRA. (Issa Santiago/Juliet de Loza-Cudia)

The post PAO chief Acosta binoldyak uli ng SC first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments