Ni Nancy Carvajal
Binalaan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang publiko sa isa pang modus operandi ng scammer na nambubudol ng cash sa alahas para sa mayayamang kliyente.
Nagsampa ng reklamo sa NBI-anti Organized and Transnational Crime Division (NBI-AOCTD) ang ilang biktima kabilang ang isang pamilya laban sa isang nagpapakilalang “personal shopper” ng mayayamang negosyante at nangangailangan ng kapital para matustusan ang negosyo, ayon kay NBI Special Investigator Ed Kawada, base na rin sa reklamo ng nabiktima.
“One of our transactions was to supposedly purchase a Patek Philippe watch, an order from business man for Father’s Day. She asked me to add P1 million pesos to my investment. For that transaction alone, I was supposed to earn P375,00,” lahad sa Bilyonaryo ng isa sa complainant na naloko na ng P8M milyon.
Nabatid na ang presyo ng branded watch ay pumapalo sa P20M hanggang P30M.
Idinagdag pa nitong nilansi sila na mamuhunan sa pagbili at pagbebenta ng mga yayamaning gamit, tulad ng mga mamahaling bag, relo, alahas at damit.
“She said she has buyers abroad that buys the merchandise at low prices and sell them here with high mark up,” dagdag pa ng complainant.
Inamin ng mga nabiktima na hindi lang sila ang nadenggoy ng suspek na hindi muna nila pinangalanan kundi naakit din ang halos lahat ng kanyang mga kaklase, kaibigan at kamag-anak sa high school sa ibang bansa ng kanyang anak na babae.
“We thought we were just the victims, because she told us not to share the business model and to keep the profits among us, however in the group chat created by one of the investors- many had been duped here and abroad.”
Ayon sa complainant ay nag-deactivate na ng kanyang social media accounts ang suspek kung saan dati niyang ibinubuyangyang ang mga mamahaling produkto tulad ng Prada, Hermes, Chanel at iba pa.
The post Mga Luxury bag, relo pinain sa scam first appeared on Abante Tonite.
0 Comments