Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos jr. sa pribadong sektor na makipagtulungan sa gobyerno para sa mura at malinis na enerhiya sa bansa.
Ang panawagan ay ginawa ng Pangulo matapos pangunahan ang inagurasyon ng 24.9 megawatt Lake Mainit Hydro Power Plant sa Jabonga, Agusan del Norte nitong Miyerkoles nang umaga.
Kasabay ng panawagan ang pagtiyak ng Pa¬ngulo na mas pag¬huhusayin pa ang mga proseso ng burukrasya upang makahikayat ng mas maraming mamumuhunan sa sector ng enerhiya.
“I call once again on our private sector partners to join us as we realize our goal of advancing affordable, reliable and clean energy foer the benefit of our people,” anang Pangulo.
Umaasa ang Presidente na na maging hudyat na ng tuloy-tuloy na pagpasok ng mga potensyal na mamumuhunan ang inagurasyon ng bagong hydro power plant sa Agusan.
Nanawagan si Pangulong Marcos Jr. sa lokal na pamahalaan ng Agusan del Norte na ibigay ang mga karampatang pag-alalay upang matiyak ang episyente, kaligtasan at pagiging produktibo ng power plant.
(Aileen Taiping)
The post BBM humirit ng malinis na enerhiya first appeared on Abante Tonite.
0 Comments