Music video ng Blvck Flowers ginastusan ng P3M

Hindi tinipid at super bongga ang music video ng Blvck Flowers. Umabot umano ito ng P3M.

Talagang ginastusan ng Blvck Entertainment nina Eng’r Louie at Grace Cristobal ang nasabing video para sa awiting ‘Pop Star.’ Ito ay komposisyon nina Romel Afable at JG Beats bilang Beat Producer.

Pasabog ang direksyon ni Titus Cee sa video kasama ang creative director na si Jon Gutierrez a.k.a.. King Badger.

Mangiyak-ngiyak sina Yara, Shanis, Pola, at Candace nang una nilang mapanood ang video.Nakita na kasi nila ang bunga ng kanilang pagod, hirap at pagsisikap.

Marami rin silang pinagdaanan na pagsubok bago natapos ang music video. Sobrang sulit dahil napakaganda ng pagkakagawa.

Anyway, ang pangalan ng grupo ay mula sa kombinasyon ng “black” (ang kanilang talent management) at “flower” na sumisimbolo sa women empowerment.

“Black and flower mean power and beauty, these two words sum up the core goal of our group which is to see, use and enhance beauty as a positive force through music, artistic performance, and influence,” deklara ng apat.

Si Yara (All rounder, Lead Vocalist, and Lead Rapper) ay napanood sa TV show gaya ng “Happy Together” (GMA 7). Isa siyang print ad model and brand ambassador.

Main rapper at lead dancer si Shanis. Isa rin siyang ramp model at kasali sa kanilang school dance organizations simula elementarya.

Main vocalist naman si Pola na may exposure na rin sa maraming pelikula at TV. Ipinakita niya ang galing sa pagkanta sa Centerstage sa GMA.

Napanood na rin siya sa mga pelikulang ‘3pol Trobol: Huli Ka Balbon ‘at ‘Will You Marry Me.‘

Si Candace naman ang visual at main dancer . isa rin siyang commercial model at “Girl on Fire” contender sa It’s Showtime.

Lahat sila ay type maka-collab ang G22 na isa ring all-girl group.

Ang ibang nilalaman ng album ay ang Blvck Flowers na ang conmposer ay si Romel Afable.

Nandiyan din ang ‘Eyy’ at ‘ Sindikato’ na parehong collaboration nina Afable at Engr. Louie kasama ang JG Beats bilang sole beat producer.

Ang Blvck Flowers digital album ay available sa Spotify, Apple Music, iTunes, Amazon, Deezer, Medianet, Boomplay, YouTube Music.

The post Music video ng Blvck Flowers ginastusan ng P3M first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments