Basagulerong delivery rider kinalawit

Arestado ang isang lalaki matapos magwala at mahulihan ng baril sa Barangay Sta. Clara, Batangas City nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Batangas PNP Provincial Director, PCOL Samson Belmonte ang suspek na si Jeffrey Perculeza, 33, delivery rider at taga-Brgy. Sta. Clara, Batangas City.

Sa report, nanggugulo sa nasabing barangay ang suspek habang may hawak na baril dahilan upang humingi ng tulong sa Batangas City police station ang mga residente.

Agad na nirespondehan ng SWAT team ng Batangas City PNP ang reklamo at inaresto ang suspek.

Narekober mula sa suspek ang isang .38 na revolver na walang papeles, at mga bala. (Ronilo Dagos)

The post Basagulerong delivery rider kinalawit first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments