Ni Nancy Carvajal
Isang 16-anyos na dalagita ang paulit-ulit na inabuso ng sarili niyang ama mula noong siya ay 11-anyos pa lang kung saan natatakot ngayon ang biktima na abusuhin din siya ng mga taong malalapit sa kanyang ama, ayon sa tiyahin ng biktima.
Sinamahan ng kanyang tiya ang biktima at humingi sila ng tulong sa National Bureau of Investigation habang hinihintay ang aksyon ng Pangasinan provincial prosecutor’s office sa inihain nilang reklamo noong Mayo 23, 2023.
Batay sa investigation data form na hawak ng Politiko_ Ph, ang biktima ay ginahasa ng kanyang ama noong 2017, noong 2021 at nitong Mayo 21, 2023.
Sinabi ng tiyahin na nagpasya na ang biktima na sabihin sa kanila ang sinapit nang muli siyang halayin ng ama.
“We seek the help of the NBI because the father is well connected in the province and one of the relatives had already talked to the victim to think of the consequences of her action, instead of helping her,” saad ng tiyahin sa Politiko_Ph.
Ayon sa tiyahin, isa pang child abuse at grave threat ang isinampa kahapon laban sa suspek dahil sa pagbabanta umano nito sa nakatatandang kapatid ng biktima, na ibinasura naman ng provincial prosecutor.
“The father threatened to shoot the older brother who was also a minor at that time, pointed a gun at him but apparently the prosecutor did not believe them, because the case was dismissed,” himutok ng tiyahin.
Ang ina ng biktima, ayon pa sa tiyahin, ay isang Overseas Filipino Worker at ang magkapatid ay nakatira sa ama.
Ayon naman kay Agent Kristine Diamante, may hawak ng kaso, bukod sa pagtiyak sa kaligtasan ng biktima ay hinihintay din nila ang resolusyon ng kaso ng provincial prosecutor.
“We have to observed the rules of court of sixty days and to wait for the resolution of the prosecutor. Then we can move forward with the investigation. Our priority now is the safety of the victim,” saad ni Diamante.
The post Nene, 5 taon sex slave ng erpat first appeared on Abante Tonite.
0 Comments