‘Pinas hindi mahirap ibenta sa abroad – DTI

Hindi na mahirap i-promote ang Pilipinas sa ibang bansa partikular ang paghikayat sa mga investors na magnegosyo sa bansa.

Ito ang inihayag ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual sa press breifing sa Malacañang nitong Miyerkoles.

Ayon kay Pascual, nakita ng mga dayuhang mamumuhunan na marami ng ipinatupad na reporma sa pagnenegosyo sa Pilipinas partikular ang mga batas na magpapadali sa pagtatayo ng negosyo sa bansa.

“Not anymore because of the reforms that have been undertaken recently. Iyon ang talagang naka-create ng interest,” ani Pascual.

Kabilang sa mga ipinatupad ng gobyerno para mapadali ang pagnenegosyo at pamumuhunan sa Pilipinas ay ang public service act; amendment sa foreign investment act; amendment sa retail, trade liberalization law; at ang pagpasa sa CREATE law, at iba pa.

Ibinida rin ni Pascual na tagumpay ang tatlong linggong investment roadshow na inilunsad nila sa Europe kung saan inaasahang P73 bilyon ang maiaakyat sa bansa lalo na sa industriya ng renewable energy at infrastructure development.

(Aileen Taliping)

The post ‘Pinas hindi mahirap ibenta sa abroad – DTI first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments