Senador nagpa-raffle ng isang kaban na kornik

Sino raw itong mi¬yembro ng Senado ang nagpa-raffle ng isang kaban na kornik sa isang committee hearing?

Kuwento ng impormante ni Mang Teban, napundi raw kasi ang chairman sa ilang resource person matapos siyang takutin ng mga abogado.

Sinabi raw kasi ng mga abogado na may jurisprudence na ang Supreme Court (SC) sa isang isyung kanilang pinagtatalunan kaya pansamantalang napaatras itong mambabatas.

Pero nang duma¬ting ang isa niyang kasamahan sa komite, hinamon niya ang mga abogado kung ano ang title ng kasong nilabas ng SC.

Doon na nagpreno ang mga abogado at humirit na bigyan sila ng ilang minuto para hanapin ito.

Nagkaroon tuloy ng lakas ng loob ang senador at hinamon ang mga abogado na ilabas ang nasabing desisyon sa lalong madaling panahon dahil magpapa-raffle siya ng isang sakong kornik.

Aba’y dinaig pa ng senador ang isang da¬ting senador na mahilig din sa kornik pero hindi nagpa-raffle ng isang sako.

Clue. Ang senador na gustong magpa-raffle ng isang sakong kornik ay may letrang T as in tigasin.

The post Senador nagpa-raffle ng isang kaban na kornik first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments