Natapos na ang panahon ng tag-init at pumasok na ang tag-ulan kaya naman dapat ay mas mabilis ng kumilos ang gobyerno upang agad ng solusyunan ang problemang ito.
Paulit-ulit na lang ang problemang ito sa Metro Manila sa tuwing panahon ng tag-init kaugnay sa dinadanas sa kakapusan ng suplay ng tubig.
Alam n’yo bang ang buong Metro Manila ay nakasandal lang sa Angat dam na ilang dekada ng nagawa noong 1960s.
Noong itayo ang Angat dam ay nasa dalawang milyon ang populasyon kumpara sa kasalukuyang 15 milyon na ang tao dito sa Metro Manila.
Pero ang madalas na katanungan ay bakit ang mga kustomer ng Maynilad ang mas madalas na magdusa sa kakapusan ng suplay ng tubig.
May tatlong ahilan umano kung bakit wala masyadong problema sa mga kustomer ng Manila Water Company.
Una , ang mga tubo raw ng Maynilad ay napakaluma na. Pangalawa, mas healthy daw ang ground water sources sa east zone na kabaliktaran sa Maynilad. At ang ikatlo, may solo raw na imbakan ang Manila Water at ito ay ang La Mesa Dam.
Dahil dito ay may panawagan sa MWSS at National Water Resourcea Board na agad ng kumilos upang resolbahin ang problema sa suplay ng tubig habang matagal pa ang pagbabalik ng panahon ng tag-init.
Maging balanse o patas din ang gobyerno sa pagbibigay ng pagkakataon sa dalawang water concessioner upang mabigyan ng mas maayos na serbisyo ang buong taga-Metro Manila.
The post Suplay ng tubig sa Metro Manila paulit-ulit na problema first appeared on Abante Tonite.
0 Comments