Rafa Anciano, Chaz Limketkai namayagpag sa JPGT Round 2

Umiskor nang mahirap na panalo sina Rafa Anciano at Chaz Limketkai sa driving pero napagwagian pa rin ang kanilang mga dibisyon sa katatapos na

Round 2 ng Junior Philippine Golf Tour 2023 Series sa Sta. Elena Golf and Country Club sa Laguna.

Umiskor si Anciano total 103 points, inungusan si Maria Monserrat Lapuz, naka-102, habang si Levonne Talion ang tumsersera sa 76 points 13-14 girls’ side ng series ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) nitong Linggo (Hulyo 9).

Naka-45 si Anciano sa driving kasunod si Lapuz sa 41 points at si Chloe Rada na mayrooong 15 base sa Philippine Golf Tournaments, Inc. scoring system.

Kuminang si Lapuz sa chipping para sa iniskor na 35 samantalang sina Rada at Anciano na nag-2-3 sa 31 at 21 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Pumoste naman si Limketkai ng 54 pts. sa long game ng three-part skills challenge sa boys category sa paglusot kina Sebastian Saycon (52) pagkabida sa chipping (35) at makibuhol kay Ramon Fabie (37) sa putting.

May kabuuan siyang 126 points sa pagdomina kay Saycon, na nag-98, habang si Juan Benedicto Angeles ang pangatlo sa pangkalahatan sa 97.

Maypaligsahan din dito sa 9-10, 11-12 at 15-18 age brackets na magkakaibang petsa idinaraos.

Nanalo si Angeles sa putting sa 42 points, kontra sa nag-dos-tres na sina Bien Luis Fajardo (40), at Limketkai at Fabie.

Dinaig ni Limketkai si Gabriel Handog (31) sa chipping. Pangatlo si Angeles sa 27.

(Ramil Cruz)

The post Rafa Anciano, Chaz Limketkai namayagpag sa JPGT Round 2 first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments