Suspek sa tinodas na caregiver gumagala pa

Tinitiyak ng Cainta, Rizal Police ang kaligtasan ng pamilya ng pinatay na caregiver na isinilid sa drum at natagpuang inuuod na kamakailan matapos humingi ng tulong ang kapatid ng biktima na nangangamba sa kanilang seguridad dahil nananatili pang nakalalaya ang suspek, na anak ng amo ng biktima.

Ayon kay Major Alfonso Saligumba, hepe ng Cainta police, nakikipag-ugnayan na ang Cainta Police sa Interpol o sa Taiwanese government para mahanap ang tumakas na primary suspect na si Kenneth Duncan alyas Kenneth Tan at Chenny Chen, na nakalipad na umano pa-Taiwan.

Nagtalaga na rin sila ng ilang tauhan para magbantay sa pamilya ng nasawing si Maribel Bacsal, 42, na pinatay at isinilid sa drum ng umano’y anak ng amo nito na nakatira sa Brookside Hills Subd., Cainta, Rizal na natagpuan noong July 3.

Matatandaang June 29 pa huling nakita ang biktima, na inulila ang asawa at dalawang anak.

Ayon sa report ng Cainta Police, huling pumasok sa kanyang amo na nakilalang si Cristina Duncan, 80, ang biktima na caregiver ng bedridden na asawa ni Cristina.

Inaresto si Cristina at kinasuhan ng obstruction of justice dahil sa pagtatakip ng kaso. (Vick Aquino)

The post Suspek sa tinodas na caregiver gumagala pa first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments