1K preso tinapon sa Iwahig, Sablayan

Nasa 1,000 persons deprived of liberty (PDL) mula New Bilibid Prison (NBP) ang inilipat ng pasilidad.

Ayon kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General, Undersecretary Gregorio Catapang, ito ay bilang bahagi ng pagpapaluwag sa NBP.

Kamakalawa ay may 500 high profile inmates ang inilipat sa Sablayan Mindoro.

Bukod pa rito, may nauna nang 500 inmates ang inilipat sa Iwahig, Palawan noong Hunyo.

“Sa lahat lahat yung mga mababait inilipat sa Iwahig, yung mga pasaway inilipat naman sa Mindoro may kasamang mga babae,” pahayag ni Catapang.

Sinabi ni Catapang na binigyan niya ng ultimatum na isuko na ang kanilang mga ipinagbabawal na gamit at pinahalughog na rin niya ang mga selda ng mga inilipat na PDL.

“Sabay po ang surrender at confiscated so, inireport na po kay Justice Secretary Boying Remulla itong mga pagkilos namin ngayon,” pahayag ni Catapang.

Tiniyak din ni Catapang na ang mga bilanggo na inilipat sa nabanggit na kulungan ay hindi makakatakas dahil ito ay nasa kabundukan.

“‘Pag nasa bundok kayo, wala kayong signal do’n at may sarili kayong selda nakahiwalay. ‘Pag may mga tumatakas don, bumabalik din,” dagdag ni Catapang. (Juliet de Loza-Cudia/Betchai Julian)

The post 1K preso tinapon sa Iwahig, Sablayan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments