Ngipin, buto bumulaga sa 1 pang Bilibid poso negro

Ibinulgar ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na nakakuha ng mga fragments na mukhang mga ngipin at buto ang forensic team mula sa University of the Philippines (UP) sa isa pang septic tank sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).

“Sa second septic tank po, UP po ang naghukay at ang alleged nila baka ngipin o buto ng tao ito at hopefully baka mailabas nila nayon or early next week ang result,” ayon kay Catapang sa panayam ng Radyo.

Nabatid na iniutos na rin ni Catapang ang pagpapasipsip sa ikatlong septic tank sa loob ng NBP.

“Ang pinakahuling development ‘yung huling septic tank ay pinasipsip na natin kung merong laman doon,” dagdag ni Catapang.

Pinainspeksiyon ni Catapang ang mga septic tank kasunod ng alegasyon na ginagawa itong mass graves ng mga nawawalang preso.

Sa ulat naman ng National Bureau of Investigation (NBI), ang mga nakuhang buto sa septic tank ay hindi sa tao kundi sa mga manok. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Ngipin, buto bumulaga sa 1 pang Bilibid poso negro first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments