20 jailguard sibak sa missing PDL

May 20 jail guards sa New Bilibid Prison (NBP) ang tinanggal sa puwesto para imbestigahan kasunod ng pagkawala ng person deprived of liberty (PDL) na si Michael Angelo Cataroja noong Hulyo 15.

Ginawa ito ni Catapang kasunod ng pahayag ng ina ni Cataroja na gusto itong isuko kay Senator Raffy Tulfo.

“Mayroon tayong stakeout sa Angono, Rizal kung nasaan ang bahay ng nanay ni Cataroja. May development din don. Sinasabi ng mga tao, at of course sa interview ng nanay ni Cataroja ay gusto raw isuko kay Senator Raffy Tulfo,” ayon kay Catapang sa panayam ng Radyo.

Aniya pa, ang mga nabanggit na jail guards na hindi muna kinilala dahil sa isinasagawang imbestigasyon ay naka-duty nang mawala si Cataroja. Posible rin umanong nakatakas si Cataroja sa pamamagitan ng pagsakay sa garbage truck.

“Under investigation po sila at wala na po muna sila sa posisyon, na relieve po sila lahat,” pahayag ni Catapang.

“Medyo ‘Mission Impossible.’ Ang sinasabi nila sumakay daw sa basurahan. Marunong ito kumalikot ng sasakyan. Kumbaga kahit walang susi kaya n’ya — carnapper po kasi ito eh,” dagdag ni Catapang. (Juliet de Loza-Cudia/Betchai Julian)

The post 20 jailguard sibak sa missing PDL first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments