Grade 1 nalunod sa picnic ng pamilya

Nasawi ang isang 7-anyos na lalaki matapos malunod habang naliligo sa beach sa Sitio Aplaya, Brgy Bignay 1, Sariaya, Quezon nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay isang grade 1 student, taga-Sitio Sta. Clara, Brgy. Sampaloc 2, sa naturang bayan.

Sa report, nagtungo ang pamilya ng biktima sa tabing dagat upang mag-picnic at maligo noong Sabado.

Subalit matapos ang tanghalian, bumalik ang bata sa tubig at muling naligo ng nag-iisa hanggang sa matuklasan na lamang na nalulunod ito alas-2:00 ng hapon.

Agad itong sinagip ng mga nakakita, sinubukang i-revived at isugod sa ospital sa bayan subalit idineklara na itong dead on arrival.

Ayon sa mga awtoridad, posibleng natangay ito ng tubig patungo sa malalim na bahagi dahil malalaki pa rin ang daluyong o water surge sa dalampasigan. (Ronilo Dagos)

The post Grade 1 nalunod sa picnic ng pamilya first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments