Ipilan Mining binabaoy Palawan

Dahil sa pagkasira ng mga protected area sa Palawan, ipinatigil ng Supreme Court ang pagmimina ng Ipilan Nickel Corporation at isa pang mining firm matapos magpalabas ng writ of kalikasan.

Inisyu ng SC ang writ of kalikasan laban sa Department of Environment and Natural Resources Mines and Geosciences Bureau, Ipilan Nickel Corporation na isang subsidiary ng Global Ferronickel Holdings na ang chairman ay si Joseph Sy, at ang Celestial Nickel Mining and Exploration Corporation.

Inoobliga sila na maglabas ng ebidensiya na hindi masisira ang kalikasan dahil sa nasabing proyekto.

Kinokontra ng mga residente at mga katu¬tubo ang pagmimina sa Brooke’s Point dahil sinasakop na raw nito ang kanilang ancestral territory pati na ang protected area. Ang pagkuha umano ng nickel ay nakakaapekto sa kanilang kabuhayan at pamumuhay.

Ang writ of kalikasan ay isang legal remedy para sa isang tao o orga-nisasyon na ang kanilang constitutional right para sa balanse at healthful ecology ay nalalabag o nalalagay sa panganib.

Sabi ng korte, ang ope¬rasyon ng INC at Celestial Mining “may cause irreparable environmental damage” sa Mt. Mantalingahan mountain range at sa ancestral domain ng Pala’wan communities. Ang Mt. Mantalingahan, na naging protected area status noong 2009, ay pinamamahayan ng mga halaman at puno pati mga hayop na itinutu¬ring na Sagrado ng mga Pala’wans.

“The continued mining operations and excavation of nickel minerals lead to environmental damage in the said mountain ranges, as exhibited by extreme flooding and contamination of fishing areas, which continually prejudice the life, health, and property of the residents,” ayon sa SC.

“The same applies to the DENR and MGB, whose inaction over the strong pleas of the residents of Brooke’s Point shows their indifference to the rights of indigenous cultural communities to a balanced and healthful ecology,” ayon sa korte.

Noong nakaraang linggo, inatasan din ng National Commission on Indigenous Peoples ang INC at Celestial na itigil na ang pagmimina sa Brooke’s Point.

The post Ipilan Mining binabaoy Palawan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments