Ivana muntik lumipat sa Kapuso

Hindi na espekulasyon ang pagpasok ng Youtube Superstar na si Ivana Alawi sa ‘FPJ’s Batang Quiapo.’

Nag-taping na pala si Ivana for BQ. At siya ang magiging bagong leading lady ni Coco Martin. Sinasabing kapalit ni Lovi, though, ibang character naman ang gagampanan niya.

Positibo naman si Ivana na tatanggapin niya talaga, once she’s offered to be in ‘Batang Quiapo.’

Sa isang banda, kung natuloy ang nabalitaan namin na negotiation daw between Ivana and GMA-7, ito ‘yung bago pa pumirmang muli si Ivana ng renewal of contract bilang Kapamilya, malamang na instead na sa ‘Batang Quiapo,’ baka sa ‘Black Rider’ nina Ruru Madrid at Matteo Guidicelli nakasama ang sexy YouTuber/actress.

The post Ivana muntik lumipat sa Kapuso first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments