May inilaang P500 milyon ang gobyerno sa panukalang 2024 National Expenditure Program (NEP) para sa pagpapaganda ng mga bicycle lane at pedestrian footpath sa ilalim ng Active Transport Program (ATP).
Ayon kay Quezon City Rep. Marvin Rillo, vice chair ng House committee on Metro Manila development, inilagay ang panukalang pondo sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr). Ngayong taon ang ATP ay mayroong P705 milyong pondo at P2 bilyon naman noong 2022.
Layunin ng ATP na palakasin ang “human-powered mobility” gaya ng pagbibisikleta at paglalakad.
“In other countries where governments are spending more to develop bicycle lanes, they’ve actually seen a five-fold increase in the number of people using bicycles,” dagdag pa ni Rillo.
Hanggang noong Hunyo 2023, nakapagpagawa na ng 564 kilometro ng bike lane sa Metro Manila, Metro Cebu, at Metro Davao sa ilalim ng ATP. Target ng DOTr na makabuo ng bike network na may habang 2,400 kilometro hanggang sa 2028.
Kasama rin sa programa ang pagtatayo ng mga pedestrian pathway na angkop para sa mga taong may kapansanan, senior citizen at buntis. (Billy Begas)
The post P500M kinarga sa bike lane, pedestrian footpath first appeared on Abante Tonite.
0 Comments