Jhong binuking pagtatalo nina Anne, Vice

Inamin ni Jhong Hilario, malaki raw ang ipinagbago ng kanyang buhay mula nang magkapamilya siya.
Sobra raw palang saya na nahanap niya ang tunay na purpose sa buhay.

Katunayan, aminado siyang bukod sa misis ay umiikot ang mundo niya ngayon sa kanyang anak na si Sarina.

Ito rin daw ang dahilan na madalas na isinasama niya ito sa mga bakasyon sa bansa at sa abroad.

Gusto raw kasi niyang ma-experience ng anak ang saya ng pagbibiyahe sa murang edad.

Lahat daw ng pagod niya sa trabaho ay napapawi dahil sa anak.

Hirit pa niya, maituturing daw niya na greatest achievement niya na nakapagtapos siya ng pag-aaral.

Bukod kasi sa hindi pang-habangbuhay ang pag-aartista, naniniwala siyang magagamit niya ang edukasyon sa pagsisilbi sa kanyang constituents lalo pa’t isa siyang konsehal.

Sa tanong naman sa ‘Fast Talk’ kung mas guwapo at mas magaling sumayaw sa kanya ang co-Streetboys member at “It’s Showtime” co-host na si Vhong Navarro, safe naman ang naging answer niya na “hindi.”

Aminado naman siyang dati ay may pinagsabay siyang dalawang girlfriend noon.

Ibinuking din niya na laging nagtatalo ang noontime co-host niyang sina Vice Ganda at Anne Curtis sa kanilang show.

Laging late rin daw para sa kanya si Anne na binawi naman niya sa huli pagkatapos na ilaglag niyang si Vice ang nagre-report nang atrasado sa trabaho.

Pagsisiwalat pa niya, pinaka-Marisol daw para sa kanya si Anne samantalang pinakakuripot ang unkabogable star na si Vice.

The post Jhong binuking pagtatalo nina Anne, Vice first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments