Siete umeksena kina Heaven, Marco

Noong nagkahiwalay sina Heaven Peralejo at Marco Gallo, hindi na nag-expect si Heaven Peralejo na makakatrabaho pa niya ang Fil-Italian actor.

Katunayan, dahil naging best friend daw niya si Marco, ayaw na raw niyang maka-work pa ito.

Kinalimutan na rin daw niya ito na naging coping mechanism niya sa kanilang paghihiwalay.

Hindi rin daw siya excited noon na makasama ang dating PBB housemate sa isang proyekto.

Pero ang kanyang mom daw ang nag-advice sa kanya to give it a try lalo pa’t nag-mature na naman siya.

Prior to their shoot, nagkaroon daw sila ng workshop.

Doon na raw sila nagkaroon ng pagkakataon na magkausap nang masinsinan.

Na-realize raw nila na minsan lang dumarating ang magandang project like “The Rain In Espana” at “The Ship Show” kaya napag-usapan nilang bakit hindi na lang nila galingan.

Naniniwala rin daw siya sa magandang pangitain ang kanilang tambalan dahil sa number na seven.

Seven years daw silang nagkahiwalay, sa 7-11 convenience store una sila muling nag-usap at ang theme song ng kanilang project ay may konek sa nasabing numero.

Kumbaga, nakiayon daw sa kanila ang universe.

Sa ngayon, sobrang faithful daw siya sa samahan nila ni Marco. Dito raw kasi siya nagiging honest at nasasabi ang lahat ng kanyang feelings na wala siyang filter.

Sinasamahan din daw siya ni Marco to grow as a person maging sa kanyang spiritual life. Bukod sa pag-aalalay, minsan daw ay nagiging PA niya ang aktor.

Kumbaga may vow o sumpaan na raw sila na pagtitibayin pa ang kanilang pagsasama.

Hirit pa niya, si Marco raw ay isa sa pinakamagandang bagay na nangyari sa kanyang buhay.

Sina Heaven at Marco ay mapapanood sa pelikulang “The Ship Show”na kasalukuyang palabas na sa lahat ng mga sinehan. (Archie Liao)

The post Siete umeksena kina Heaven, Marco first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments