Kris, Mark ML ang tawagan

Umamin na rin si Mark Leviste na binigyan nga siya ng Cartier ring ni Kris Aquino.

Sa kanyang mahabang panayam kay Butch Francisco para sa Pikapika Showbiz site ay makikitang suot-suot niya ang singsing at ipinaliwanag kung ano ang sinisimbolo nito.

Ayon sa politiko ay nangako siya kay Kris na hindi magsasalita about the ring but then, ito na raw mismo ang umamin recently sa fan page nito.

“Sa kanya na mismo nanggaling na binigyan niya ako ng singsing, and this trinity ring comes in three, and it symbolizes love, friendship and fidelity,” pahayag ni Mark.

When asked kung kaya ba niyang panindigan ang fidelity, mabilis na sagot ng politiko, “yes, of course. Fidelity, loyalty, yes.”

Tinanong din si Mark ni Butch kung ano ba talaga ang sitwasyon ng kalusugan ni Kris at aniya, kung ano raw ang nababasa natin sa mga update nito ay ‘yun daw talaga ang kalagayan nito.

When asked kung nakakalabas ba si Kris para mag-shopping or mag-grocery, aniya, “nakakalabas siya once in a while but most of the time, nananatili po siya sa aming tirahan.”

Natanong din kung normal naman ang buhay ni Kris sa Los Angeles at sey ng politiko, “she lives a little less than normal life. Meaning, nakakatayo naman siya from the bed, she can take care of herself going to and from the bathroom. She can take a bath and do her regular routine on her own. However, kami, we always keep an eye on her when she moves around just to make sure she is safe.”

Naniniwala naman si Mark na may pag-asa pang gumaling si Kris at isa siya sa nagdadasal na sana’y bumuti na ito.

“With prayers, yes. With a strong faith, yes. And as far her doctors and the medication that she is taking that’s all explained scientifically, some are proven to get well from the treatments.

“But para sa akin, bilang Kristiyano, bilang may takot sa Diyos, naniniwala ako na hangga’t may buhay ay may pag-asa. At ang pag-asang ‘yan ay makakamit lang natin kapag malakas at matibay ang ating pananampalataya,” pahayag niya.

This Sunday ay nakatakda siyang bumalik sa LA to be with Kris again kaya naman naitanong sa kanya ni Butch kung ‘hello’ na ba ulit at hindi naman pala nagkaroon ng ‘goodbye’ tulad ng post ng Queen of All Media kamakailan.
“’Yung ‘pause’ na sinabi niya? Ewan ko,” napapailing at nakangiting sabi ni VG Marc.

“Ayokong mag-comment. Ako, ipapasa-Diyos ko ‘yan. I leave my life, even our relationship and status, to God,” he said smiling.

Pagkatapos nito ay naging seryoso na ang politiko and said, “una sa lahat, ang priority ko naman talaga, ‘yung kanyang paggaling. Kung ako’y nakakatulong man sa kanyang paggaling, ‘yun talaga ang pangarap ko. ‘Yun talaga ang aking minimithi. Na gumaling siya sa lalong madaling panahon at mabigyan ako ng biyaya ng ating Panginoon na gamitin ako para sa kanyang paggaling. Anuman ‘yun, Diyos na ang bahala.”

On the lighter side, naitanong din sa kanya kung ano ba talaga ang tawagan nila ni Kris, at sey niya ay ML which means “my love.” Kung minsan naman daw ay “love” ang tawag niya.

Nalinaw rin niya sa naturang panayam na divorced na si Marc, very much single at walang kasabit-sabit. Aniya, very loyal siya kay Kris at wala raw ibang babae sa buhay niya kungdi ito.
Sinabi rin niya na masarap kausap si Kris, masarap kasama at masarap magmahal.

The post Kris, Mark ML ang tawagan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments