Ju Jinqui, China hinakbangan Angolans sa FIBA World Cup

Kinalos ng China ang Angola 83-76 sa classification round (17th-32nd) ng 19th FIBA World Cup 2023 sa Smart Araneta Coliseum nitong Huwebes.

Pinaypayan ng China ang tsansa sa 2024 Paris Olympic outright berth, nakaisang panalo na tulad ng Japan.

Nagsumite si Ju Jinqui ng 20 points, tumapos si Kyle Anderson (Li Kaier) ng 17 points, 7 rebounds, 4 assists at tig-isang steal at block at nilista ng mga Chinese ang unang panalo matapos ang 0-3 campaign sa group phase.

Rambulan ang China at Gilas sa Group M sa final game ng classification sa Sabado sa Big Dome rin.

Sa MOA Arena, ipinagpag ng Mexico ang New Zealand 108-100 sa Group N.

Kinolekta din ng Mexicans ang first win sa likod ng 27 points, 5 assists ni Pako Cruz na 6 for 9 sa labas ng arc. Umayuda ng halos triple-double na 17 points, 11 rebounds, 7 assists si Fabian Jaimes, may tig-16 sina Gabriel Giron at Joshua Ibarra.

Mula sa 73-54 deficit sa third quarter, nanindak ang Tall Blacks 104-100 sa sixth trey ni Reuben Te Rangi na tumapos ng 32 points. Kaya lang, naubusan na ng oras ang Kiwis. (Vladi Eduarte)

The post Ju Jinqui, China hinakbangan Angolans sa FIBA World Cup first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments