Lianne nabuking na ‘tomboy’

Nalungkot ang mga sumusubaybay sa pinagbibidahang serye ni Dingdong Dantes nang makita ang larawan ng buong cast. Ang caption ay “Malapit na ba nating malaman kung sino ang pumatay kay Don Gustavo Royales?”

Ang ibig sabihin nito, kapag nabuking na kung sino ang pumatay kay Gustavo Royales, magwawakas na ang inaabangang ‘Royal Blood.’ Nabanggit kasi ni Director Dominic Zapata na towards the ending pa malalaman kung sino ang real killer sa ama ng Royales siblings.

Isa sa Royales sibling at suspect sa pagpatay sa kanyang ama ay si Beatrice . Ito’y mahusay na ginagampanan ni Lianne Valentin. Hindi nagpapahuli si Lianne sa galing ng mga kasama dahil sumasabay siya pati sa tinatawag na “mata-mata” acting.

Nagkaroon pa ng panibagong flavor ang karakter ni Lianne nang lumabas na gay si Beatrice . Karelasyon niya ang female business partner na namatay. Sa nakaraang episode, inamin ni Beatrice sa kausap sa phone na may pinatay siya at

ang business partner pala ang tinutukoy.

May mga nag-comment na maaaring na-highlight ang husay ni Lianne in playing a gay character in the series, pero ang kapalit nito ay mata-type cast siya. Baka raw gay characters na lang ang ibigay sa kanya na kinontra ng mga nakabasa.

Bakit naman daw sina Rhian Ramos at Glaiza de Castro na gumanap na gays sa ‘The Rich Man’s Daughter’ ay hindi na-typecast .Mahusay nilang nagampanan ang mga role ng lesbian sa nasabing series. Different characters na ang mga ginampanan ng dalawa mula nang gawin ang TRMD.

Mahusay na aktres si Lianne at kayang gampanan ang lahat ng karakter na ibibigay sa kanya. Hindi rin papayag ang GMA-7 na ma-typecast siya. (NITZ MIRALLES)

The post Lianne nabuking na ‘tomboy’ first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments