Malala na: AlDub fan nag-ilusyong karay ni Alden si Maine sa Tate

Wala si Maine Mendoza sa photo at video na post ni Sylvia Sanchez ng entourage na kasama nilan dumalo sa 76th Locarno Film Festival na ginagawa sa Locarno, Switzerland.

Kaya inakala ng mga fan na hindi kasama ni Arjo si Maine, naiwan daw sa Pilipinas.

Biglang bawi lang ang mga nagsabing hindi kasama sa Locarno si Maine nang lumabas ang mga photo at video niya kasama si Arjo. Pati ang video na naghahanda na sila sa red carpet dahil sa world screening ng pelikulang “Topak” ni Arjo na produced ng Nathan Studios.

Ayaw nga lang maniwala ng ilang AlDub fans na si Maine ang katabi ni Arjo sa mga
litrato at nasa likuran ni Enchong Dee. Makikita sa video na sinalubong ni Arjo si Maine, saka sila nag-usap.

Old photo raw ni Maine ang katabi si Arjo, idinikit lang sa larawan ni Arjo na ang background ay may parang billboard o tarpaulin na nakasulat ang Locarno Film Festival. (Nitz Miralles)

The post Malala na: AlDub fan nag-ilusyong karay ni Alden si Maine sa Tate first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments