NPA medic tinbuwang sa 2-araw ratratan

Natagpuan kahapon ang bangkay ng medic ng New People’s Army (NPA) dalawang araw matapos ang pakikipagbakbakan sa pagitan ng mga sundalo ng Army 11th Infantry Battalion (IB) sa Sitio Taleo, Barangay Milagrosa, Santa Catalina, Negros Oriental, noong Agosto 24.

Sinabi ng 11th IB, kahapon (Sabado) natuklasan ng K9 ang bangkay ni Ruby Almines alyas “Kende,” isang medic ng Southeast Front (SEF) ng Komiteng Rehiyon Negros, Cebu, Bohol, Siquijor (KR-NCBS), sa encounter site kung saan napatay din si Corporal Richard Rafols, ng 11th IB.

Sinabi ni Lt. Col. J-jay Javines, hepe ng 3rd Infantry Division Public Affairs Office (DPAO), agad nagtungo ang mga sundalo nang makatanggap ng impormasyon mula sa mga residente sa umano’y presensya ng mga armadong rebelde sa lugar.

Aniya, hindi bababa sa 10 rebeldeng NPA na pinaniniwalaang mga nalalabi ng binuwag na SEF-KR-NCBS ang nakasagupa ng mga tropa ng pamahalaan.

Narekober ng mga sundalo ang isang M653 rifle, isang anti-personnel mine, 4 magazine para sa M653, 3 magazine para sa M653, 40 rounds ng 5.56mm, mga baterya, electrical tester, mga backpack na may mga personal na gamit, tarpaulin, at pagkain. (Dolly Cabreza)

The post NPA medic tinbuwang sa 2-araw ratratan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments