African drug gang nalagasan

MATAPOS ang ilang linggong pagmamanman, tuluyan ng naaresto sa bisa ng warrant of arrest ang isang Ugandan national na miyembro ng West African Drug Syndicate na nakabase sa Pilipinas sa isinagawang operasyon sa Dasmarinas City, Cavite Biyernes ng umaga.

Kinilala ang suspek na si Mosuke Benjamin alyas Ato, isang Ugandan national.

Sa ulat, alas-11:35 kamakalawa ng umaga nang magsagawa ng operasyon ang pinagsamang puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) Task Force Against Illegal Drugs (TFAID), Provincial Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cavite Police Provincial Police Office (PPO) Police Intelligence Unit (PIU), Dasmarinas City, Cavite sa San Lorenzo Heights Subdivision Brgy Zone 1-A, Dasmarinas City, Cavite na nagsisilbing drug laboratory ng suspek.

Narekober sa isang kitchen-type clandestine laboratory ang iba’t-ibang chemical sa paggawa ng droga, mga raw materials at iba’t ibang drug paraphernalias na gamit ng suspek sa pagpapatakbo ng kanyang laboratory.

Ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay nasa pangangalaga ng NBI Taft Avenue, Manila. (Gene Adsuara)

The post African drug gang nalagasan first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments