PCO dinepensa P403M gastos ni BBM sa biyahe

Ipinagtanggol ng MalacaƱang ang tumaas na gastos ng Office of the President sa mga biyahe nito noong nakalipas na taon.

Kasunod ito ng inilabas na report ng Commission on Audit (COA) na umabot ng P403 million ang gastos sa biyahe ng Presidente noong 2022, 996% na mas mataas kumpara sa P36.8 million na gastos ng OP noong 2021.

Ayon kay Presidential Communication Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, batid ng lahat na kasagsagan ng pandemya ang 2021 kung saan naging limitado ang pagkilos ng mga tao dahil sa pandemya.

Matapos aniyang magbukas ang ekonomiya at lumuwag ang COVID protocols ay sinimulan ng Pangulo ang mag-ikot sa buong bansa para siguruhing naibibigay ang mga tulong at programa sa mamamayan.

Bukod dito, sinabi ng kalihim na maraming imbitasyong tinanggap si Pangulong Marcos Jr. sa ibang bansa para dumalo sa mga pandaigdigang kumperensiya, state visits, high-level meetings at iba pa kaya kailangang tumugon dito ang Palasyo.

“OP has acceded to some of these requests, knowing that the country and the general public, in general will benefit immensely from the President’s participation in these engagements,” ani Garafil.

(Aileen Taliping)

The post PCO dinepensa P403M gastos ni BBM sa biyahe first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments