P467M DSWD ayuda walang resibo – COA

Sinita ng Commission on Audit (COA) ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kawalang dokumentasyon nito sa naging paggasta ng P467 million pondo ng Assistance to Individuals in crisis Situations (AICS).

Ang AICS program ang siyang nagbibigay ng pinansiyal na tulong sa mga mahihirap, kabilang dito ang assistance sa transportasyon, medikal, burial at pagkain.

Sa ipinalabas na COA audit report sinabi nito na kulang-kulang at madalas hindi magkakatugma ang nakasaad sa General Intake Sheet (GIS) na isinumite ng DSWD para sa mga indibidwal na nabigyan ng assistance.

“The lack of complete supporting documents casts doubt on the regularity and propriety of the above payments of assistance as well as whether proper screening of eligible beneficiaries was conducted,” pahayag ng COA.

Bukod sa walang mga supporting documents na nagpapatunay na naibigay ang assistance, sinita din ng COA ang DSWD sa double payments sa may 310 benepisyaryo ng AICS sa Central Luzon, Western Visayas at Davao Region na aabot sa P1.5 million.

Gayunpaman, ikinatuwiran ng DSWD Western Visayas na posibleng nadoble ang naibigay na tulong sa parehong beneficiary subalit sa magkaibang insidente ito.

Ikinatuwiran din ng DSWD-Davao Region na hindi naiiwasan na madoble ang naibibigay na tulong dahil wala namang ‘real-time cross matching of data’ na naisasagawa lalo kung ang aplikante ay lumipat ng ibang barangay o bahay.

(Tina Mendoza)

The post P467M DSWD ayuda walang resibo – COA first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments