Rider tigok sa kurbadang kalsada

Patay ang isang 27-anyos na rider nang nawalan ng kontrol sa kanyang manibela matapos sumemplang sa kurbadang bahagi ng kalsada at saka bumangga sa poste ng ilaw sa Trece Martires City, Cavite kahapon nang madaling-araw.

Idineklarang dead on arrival sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Jeromani Colobong, ng Carosucan Sur, Asingan, Pangasinan dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan
Lumitaw sa imbestigasyon na binabagtas ng biktima ang kahabaan ng Governor’s Drive galing sa Gen. Trias City lulan ng asul na Suzuki Raider 150 na may plakang 961AYX nang mangyari ang insidente bandang alas-dos ng madaling araw.

Kalalagpas lang umano nito sa Panaysayan bridge sa Barangay Hugo Perez nang sumemplang siya sa kurbadang daan dahilan para mawalan siya ng kontrol at bumangga sa poste ng ilaw.(Gene Adsuara)

The post Rider tigok sa kurbadang kalsada first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments