Totoy utas sa tuklaw ng ahas

Todas ang isang 12-anyos na batang lalaki matapos itong makatapak at matuklaw ng ahas habang namimitas ng bayabas sa Sogod, Leyte noong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Johnson Cuyno, residente ng Barangay San Juan ng nasabing bayan.

Sa ulat, nangunguha ng bayabas ang biktima malapit sa kanilang bahay kasama ang nakatatandang kapatid nang mapansin nitong may gumagalaw sa kanyang likod bandang alas-onse nang umaga.

Gayunman, daga at hindi ito ibon na una niyang inakala.

Napatakbo sa gulat ang biktima pero naapakan niya ang isang ahas na tumuklaw sa kanyang kanang pigi.

Pag-uwi sa bahay, sinabon ng biktima ang kanyang pigi at ikinuwento sa kanyang ate na si Marife ang nangyari.

Ilang sandali lang at nahirapan na umanong huminga ang biktima kaya dinala ito sa Sogod District Hospital.

Walang antivenom treatment sa ospital kaya inilipat ito sa Tacloban kung saan siya nalagutan ng hininga sa biyahe. (Edwin Balasa)

The post Totoy utas sa tuklaw ng ahas first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments