Inatasan kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin `Benhur’ Abalos ang Bureau of Fire Protection (BFP) na magkaroon ng mas mahigpit na proseso ng akreditasyon para sa mga volunteer fire brigades.
Ginawa ni Abalos ang pahayag matapos masagasaan ng rumespondeng fire truck ang ilang residente sa Tondo, Maynila noong Agosto 14, na ikinasawi ng isang 62-anyos na babae at ikinasugat pa ng walo.
Inatasan ng kalihim ang BFP na magpatupad ng mas mahigpit na mga alituntunin para sa akreditasyon ng mga volunteer fire brigades.
Hiniling di niya sa BFP na magtakda ng mga kwalipikasyon para sa mga volunteer firefighters at fire truck drivers.
Aniya, tiyakin na ang mga kukuning fire truck drivers ay walang rekord ng reckless driving, aksidente at dapat ding pumasa sa mga drug test at neuropsychiatric exams. (Dolly Cabreza)
The post Volunteer bumbero sasalain na first appeared on Abante Tonite.
0 Comments