Bautista dinikdik sa mga endo worker

Kinastigo ng isang senador ang Department of Transportation (DOTr) dahil sa higit isang libong endo worker sa Office of the Secretary.

Sa ginawang pagdinig sa panukalang budget ng DOTr, sinabi ni Senate Majority Leader Joel Villanueva na nakakaalarma ang dami ng mga endo worker sa OSEC gayong mayroon naman silang 1,101 unfilled position.

“Kanina binabanggit dito sa report na halos wala silang personnel at nakadepende sila doon sa job order o contract of service gayong ang trabaho na kanilang ginagawa ay regular na trabaho na dapat gampanan ng isang empleya¬do ng pamahalaan,” pag-usisa ng senador.

“It’s hard to ask the private sector na tanggalin ang endo, sumunod sa ibinibigay ng ating Saligang Batas na security of tenure etc when the government is the biggest violator. We have 630,000 job order, contract of service personnel so it’s unfortunate,” diin pa niya.

Hindi nagsalita si Secretary Jaime Bautista sa mga tanong ni Villanueva dahil isang opisyal ng DOTr ang sumalo at nagpaliwanag na inaayos pa nila ang reorganization ng OSEC at isusumite nila ito sa Department of Budget and Management (DBM) upang paaprubahan.

The post Bautista dinikdik sa mga endo worker first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments