Boga ng sikyo nasilat sa checkpoint

Isang security driver ang tinimbog matapos makuhanan ng baril sa isang checkpoint sa Pasay City, nitong Sabado.

Kinilala ni Col. Froilan Uy, hepe ng Pasay City Police, ang suspek na si Melecio Peralta, 41.

Si Peralta ay naaresto alas-3:50 ng madaling araw sa service road ng Roxas Boulevard, Pasay City.

Sinabi ng pulisya na pina-flag down ng mga miyembro ng Pasay Police Substation 1 (SS1) na nakatalaga sa Cultural
Center of the Philippines (CCP) Complex ang suspek, na sakay ng kanyang sasakyan, para sa isang regular na inspeksyon.
Napansin umano ng mga umaarestong opisyal ang isang baril na nakausli sa loob ng pouch bag ni Peralta.

Narekober kay Peralta ang isang .45-caliber pistol, magazine, at 8 live ammunitions. (Betchai Julian)

The post Boga ng sikyo nasilat sa checkpoint first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments