Lady rider sumalpok sa bakod,  tigok

UTAS ang isang babaeng rider matapos itong sumalpok sa bakod sa Barangay Bayubay Sur, San Vicente, Ilocos Sur noong Biyernes.

Kinilala ng San Vicente Police Station (SVPS) ang biktima na si Ellaine Mae Aguinaldo Pastor, 28, ng Barangay Puspus, Bantay, ng nasabing probinsya.

Sa report, ayon sa SVPS, ang biktima ay nakainom umano ng alak at papauwi na nang mangyari ang aksidente.

Ayon sa pulisya, nawalan umano ng balanse sa manibela ang biktima at sinuwag ang bakod ng isang covered court ng Barangay Bayubay.

Sa lakas ng impact, nagtamo ng serious head at body injury si Pastor na walang suot na safety helmet at protective gear.

Agad na dinala ang biktima sa ospital ngunit siya ay dead-on-arrival na. (Allan Bergonia)

The post Lady rider sumalpok sa bakod,  tigok first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments