Bulkang Taal nagbubuga ng smog

Nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa mga residente na malapit sa paligid ng Bulkang Taal dahil sa naobserbahang volcanic smog.

Ayon sa advisory ng Phivolcs, mula alas-10:00 ng umaga nitong Biyernes, Setyembre 15, naobserbahan ang volcanic smog sa Taal Lake.

“Continuous upwelling at the Taal Main Crater Lake formed steam plumes that rose 3,000-meters high before drifting to the north-northwest,” pahayag ng Phivolcs.

Dagdag nito, may 3,264 tonelada kada araw ng volcanic sulfur dioxide o SO2 gas emission mula sa bunganga ng Bulkang Taal ang nasukat din ngayong Biyernes.

Pinayuhan ng Phivolcs ang mga residente na magsuot ng face mask at uminom ng maraming tubig.

Nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal na ang ibig sabihin ay nakararanas pa rin ito ng bahagyang aktibidad.

Paalala ng Phivolcs na ang volcanic smog ay binubuo ng mga pinong droplet na naglalaman ng volcanic gas tulad ng SO2 na acidic at maaaring magdulot ng pangangati ng mata, lalamunan at respiratory tract depende sa mga konsentrasyon ng gas at tagal ng pagkakalantad.

(Issa Santiago/Dolly Cabreza)

The post Bulkang Taal nagbubuga ng smog first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments