Gerald nagselos sa basketbolistang crush ni Julia

Magkakasamang nanood ang basketball fanatics na sina Gerald Anderson, Edgar Allan Guzman, Jairus Aquino at magkapatid na Rodjun and Rayver Cruz ng laban ng Gilas Pilipinas sa China.

Ito’y sa FIBA World Cup last Saturday.

Sa inilabas na vlog ni Gerald last Monday, makikita ang panonood nila sa nasabing laban sa Big Dome kung saan ay nanalo ang Gilas Pilipinas.

Tuwang-tuwa ang apat sa panalong nakamit ng Pilipinas at nag-celebrate pa sila pagkatapos ng game. Parang mga nasa cloud nine ang apat habang pinag-uusapan ang katatapos lang na game.

Sa dulo ng video ay nakatutuwa ang sinabi ni Gerald na kapag nanood daw siya ng game ng Slovenia team ay hindi raw niya isasama ang girlfriend na si Julia Barretto.

“Next game natin, sana, Slovenia, pero wala na akong plus 1, hindi ko na makakasama si Julia niyan kasi andu’n si Luka, eh,” sey ni Gerald.

Si Luka Doncic ang tinutukoy ni Gerald, star player ng Slovenia.Isa ito sa pinakamagaling na basketball player sa buong mundo na crush ni Julia.

Aliw na aliw naman ang netizens sa pagseselos ni Gerald kay Luka.

“Ang saya ng grupo nila Gerald, Rayver, Rodjun, Jairus, EA etc. Nakakatuwa kayo panoorin.

Fanatics kayo lahat sa basketball. Natawa ako sa last part ng usapan nila, sabi ni Ge wala syang plus 1, hindi raw nya isasama si Julia sa game ng Team Slovenia kasi andoon si Luka, nagseselos si Ge crush ni Julia si Luka. Hahaha,” komento ng isang netizen.

“It would be great to see a full vlog of Julia at Slovenia’s game! Let’s hope she gets to meet Luka,” sey naman ng isa pang viewer.

“I wanna see Julia’s reaction when she meet Luka. Pagbigyan muna Ge,” sey naman ng isa pa.

“Please ge isama mo c Julia gusto namin makita ang reaction nya na makita nya c luka.. please ge,” pakiusap naman ng isa pang netizen.

The post Gerald nagselos sa basketbolistang crush ni Julia first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments