CHED kinontra screening sa free tuition

Hindi pabor si Commission on Higher Education (CHED) chairman Prospero de Vera III sa mungkahing magkaroon ng national o screening test para sa pagkakaloob ng libreng tuition fee sa kolehiyo.

Ayon kay De Vera, kung ang tinutukoy na national test ay katulad ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT), na itinuturing na isa sa pinakamahirap na entrance exam sa bansa, ay maaari itong maging ‘disastrous’ sa pagtiyak ng mas malawak na access sa college education.

“If the admission test they’re talking about is like UPCAT, it’s going to be disastrous,” ayon pa kay De Vera, sa panayam sa ANC.

Nauna rito, iminungkahi ni Finance Secretary Benjamin Diok¬no na magdaos ng national test, bukod pa sa school admission test, upang tukuyin kung kuwalipikado ang mga estudyante sa libreng tuition at iba pang benepisyo na ibinibigay ng pamahalaan.

(Dolly Cabreza)

The post CHED kinontra screening sa free tuition first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments