Jillian type gamutin si  Coco

Uso  ang collaboration  ng ABS-CBN  at GMA. May bet ba si Jillian Ward  na Kapamilya star na makatrabaho?

“Madami po, madami katulad ni Sir Coco Martin. Na-inspire po ako sa kanya dahil magaling na director po siya, magaling na actor din po.  Na -meet ko nga po siya one time. Alam ninyo po nagulat ako na kilala pala ako ni Sir Coco. Same po kasi kami ng dentist at nagkita po kami sa clinic. Sabi niya po sa akin, ikaw pala ‘yan Jillian, nagpa-picture po kaming dalawa. Gusto ko po talaga siya maka-work pati sina Meme Vice Ganda.”

Dagdag pa niya, “Sayang nga at hindi pa ako nakakapag-guest sa ‘It’s Showtime.’ Hindi nagtugma ‘yung schedule ko po. Sayang at hindi pa po ako nakakasayaw doon.”

Tinanong namin si Jillian kung willing ba siyang mag-guest sa “FPJ’s Batang Quiapo” kung  papayagan siya ng management?

“Well open naman po ako, kaso lagi din po kami busy ng shooting sa “Abot Kamay Na Pangarap” eh, medyo busy. Pero, malay n’yo po mag-cameo si Dra. Analyn Santos sa “FPJ’s Batang Quiapo” para  gamutin si Tanggol doon di ba, why not po?”

Ikinuwento rin ni Jillian na magkakaroon sila ng pelikula ni Sen.  Bong Revilla.

“Mag-start na po kaming mag-shoot next month, kasi ‘yung script daw po ay pina-finalize pa raw,” aniya.

Anyway,  kaabang-abang  din  ang ilang mga eksena sa  kanyang teleserye na “Abot Kamay Na Pangarap” lalo na ang mga eksena nila ni Ken Chan.

Ano ba ang masasabi niya  na nagugustuhan ng mga fan ang tandem nilang dalawa?

“Napag-usapan namin ‘yan  ni Ken , ayun nga unexpected po siya. Kahit kami kinikilig po sa nangyayari sa mga eksena naming,” lahad niya.(ALLAN SANCON)

The post Jillian type gamutin si  Coco first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments