Umaabot na sa 24 pulis ang nagpostibo sa paggamit ng iligal na droga mula nitong Enero, 2023 ayon sa Philippine National Police (PNP) sa isinagawang press briefing kahapon sa Camp Crame.
Siniguro naman ni PNP chief General Benjamin Acorda Jr., na walang lugar sa organisasyon ang mga tiwaling pulis lalo na sa kanyang termino dahil sa patuloy na pagpapatupad ng pinaigting na internal cleansing laban sa kapulisan.
“There are some other personnel who tested positive and for the details the director of Forensic Group is here with us but I would like to say this is a continuing activity to make sure that our personnel our constantly checked and also to give warning to our personnel to really avoid this kind of wrongdoing,” saad ni Acorda.
Sa nasabing bilang, si dating Mandaluyong City chief of police (COP) Police Col. Cesar Gerente, na nagpositibo sa isinagawang surprise drug test ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nitong Agosto 24, ang pinakamataas ang ranggo. (Edwin Balasa)
The post 24 pulis nagpositibo sa droga first appeared on Abante Tonite.
0 Comments