NAGKAKAROON ngayon ng validation ang Department of Agriculture-Region 2 (DA-R2) sa mga baboy na tinamaan ng African Swine Fever (ASF) sa lalawigan ng Cagayan.
Sa pahayag ni DA-R2 ASF coordinator Dr. Manuel Galang, batay sa kanilang monitoring, nagkakaroon na naman ng mortalities o pagkamatay ng mga alagang baboy sa apat na bayan sa Nueva Vizcaya at tatlo dito sa Isabela kaya nagtungo sila sa mga nasabing lugar upang ma-validate ang ulat.
Sinabi ni Galang, kapag nagpositibo, magsasagawa sila ng depopulation sa mga apektadong piggeries maging ng massive information dissemination campaign sa lugar.
Sa pahayag ng ilang hog raisers, ilan sa kanilang hinalang rason kung bakit kumakalat ang ASF ay dahil sa mga buyer na nag-iikot sa mga barangay upang bumili ng baboy at hindi nililinis ang kanilang mga sasakyan. (Allan Bergonia)
The post Mga baboy sa 7 bayan sapol ng ASF first appeared on Abante Tonite.
0 Comments