Masbate City niyanig ng 4.7 magnitude na lindol

Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Masbate City kahapon nang umaga.

Batay sa inilabas na Earthquake Information No. 2 ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naramdaman ang sentro ng lindol sa Masbate City ganap na alas 6:21 nang umaga.

Tectonic ang pinagmulan ng lindol mula sa lalim na 11 kilometro.

Sa ulat, naramdaman ang Intensity IV sa Masbate City at San Fernando sa Masbate; Intensity III sa Batuan, Milagros, Mobo at Monreal; Intensity II sa Aroroy, Baleno at San Pascual sa Masbate; Allen, San Isidro, at Victoria sa Northern Samar; Calbayog City sa Samar; at Intensity I sa Palanas at Mandaon sa Masbate.

Wala namang inaasahang magiging pinsala mula sa nasabing pagyanig pero asahan anila ang mga aftershock sa susunod na mga oras. (Dolly Cabreza)

The post Masbate City niyanig ng 4.7 magnitude na lindol first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments