83-anyos tegi sa heat stroke

Bangkay na nang matagpuan ang isang senior citizen na lalaki na palutang-lutang sa ilog sa parte ng Barangay Baracbac, Sinait, Ilocos Sur, noong Miyerkules.

Kinilala ng Sinait Police Station (SPS) ang biktimang si Eusebio Sabugo Braceros, 83, ng nasabing barangay.

Sa ulat ng SPS, ayon sa anak ng biktima na si Estella Sabugo Villegas, umalis sa kanilang bahay si Eusebio alas-3:20 ng hapon upang bisitahin ang isa pang anak at tatawid pa ng ilog upang makarating ito.

Ngunit pasado ala-4:00 ng hapon, dito na nakita ang katawan ng biktima na lumulutang sa ilog na agad na dinala ospital ngunit siya ay dead-on-arrival na.

Ayon sa kamag-anak ng matandang biktima, maaaring na-heat stroke ito dahil kasagsagan ng init nang umalis ito.

(Allan Bergonia)

The post 83-anyos tegi sa heat stroke first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments