Kandidatong kapitan, bebot, 3 pa tiklo sa shabu

Lima-katao kabilang ang isang kandidatong Barangay Captain sa Malolos City at isang babae ang nadakip ng Malolos City Police Station makaraang makumpiskahan ng shabu sa buy-bust operation sa Barangay Sumapang Bata, Malolos City, Bulacan kamakalawa.

Base sa isinumiteng report kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan Police Provincial Office, hindi pinangalanan ang limang drug peddlers na kinabibilangan ng isang babaeng tulak at tumatakbong kapitan, pawang residente sa Barangay Sumapang Bata.

Alas-11:55 kamakalawa ng gabi nang makorner ng operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ng Malolos City police ang limang suspek sa anti-illegal drugs operation matapos ang isinagawang surveillance.

Hindi na nakapalag ang lima nang makumpiska sa kanilang posesyon ang anim na pakete ng shabu na tumitimbang ng 25 gramo at nagkakahalagang P170,000 bukod pa sa assorted drug paraphernalias at buy-bust money. (Jun Borlongan)

The post Kandidatong kapitan, bebot, 3 pa tiklo sa shabu first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments