Donny first time sumakay ng jeep

First time na sumakay ng jeep si Donny Pangilinan.

Well-known kasi ang Pangilinsn family sa business world Nangyari ang kanyang experience to ride a jeep sa teleserye nila ni Belle Mariano, ang ‘Can’t Buy Me Love.’

Sa series ng CBML, isang mahirap ang knyang role at kung anu-anong trabaho ang pinapasok.

Ani direk Mae, “’Yung sa jeep na eksena, dapat nagmamadali kayo… so take, action! Si Donny, hinayaan lahat, pumila s’ya! Sabi ko, hindi ‘to pila.”

Napaka-polite raw ni Donny Tanong niya sa aktor, “First time mo bang sumakay ng jeep?”
“Opo,” sagot daw nito.

“First time n’ya so nanibago talaga s’ya du’n,” sey pa ng direktor.

Ayon naman kay Donny, “Kasi andaming pagdadaanan ni Bingo.(ang karakter niya) sa series na ‘to kaya I want to make sure na alam ko rin ‘yung mga pagdadaanan ni Bingo at alam ko rin kung papaano sila magsalita. I also get a lot of help from my co-actors here – sina kuya Ketchup (Eusebio), Hyubs (Azarcon), si Anthony (Jennings)…” pagbabahagi naman niya.

Ang ka-loveteam na si Belle Mariano ang kapareha ni Donny na ang role naman ay isang rich girl.

(Beth Gelena)

The post Donny first time sumakay ng jeep first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments