Senglot nalunod sa tangke, tsugi

Isang lalaki ang nalunod sa concrete water tank sa Brgy. Malonoy, Villareal, Samar, noong Lunes.

Kinilala itong si Vicente Abainza Jr., 47, residente din sa lugar.

Ayon sa report ng Eastern Visayas police regional office, hinihinalang nakainom ang biktima nang maganap ang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, galing umano sa inuman ang biktima at pag-uwi ng bahay, sa di malamang dahilan ay umakyat ito sa concrete water tank subalit aksidenteng nahulog.

Narinig pa ng ilang kapitbahay ang paghingi nito ng saklolo subalit hindi agad natukoy kung saan ito.

Huli na nang mahanap ng mga kapitbahay na nasa loob ito ng water tank at wala ng buhay.

Kinumpirma naman ng Rural Health Unit ng Villareal na pagkalunod ang ikinamatay nito.

(Ronilo Dagos)

The post Senglot nalunod sa tangke, tsugi first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments