Magkakaharap ang suspendidong si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III at ang dati niyang executive assistant na si Jefferson Tumbado sa pagdinig ng Kamara de Representantes ngayong Lunes, Oktubre 23.
Ikinasa ng House committee on transportation ang pagdinig sa umano’y lagayan sa LTFRB. Ang motu proprio inquiry ng komite na pinamumunuan ni Antipolo City Rep. Romeo Acop ay magsisimula ng alas-nuwebe ng umaga.
Batay sa agenda ng pagdinig, kasama sa inimbitahan ng komite sina Guadiz at Tumbado para malinawan ang isyu ng korapsiyon sa LTFRB.
Inimbitahan din ang mga kinatawan mula sa Department of Transportation, National Bureau of Investigation, Supreme Court-Office of Court Administrator at mga organisasyon ng tsuper at operator ng mga pampublikong transportasyon. (Billy Begas)
The post Guadiz vs Tumbado face-off sa LTFRB lagayan first appeared on Abante Tonite.
0 Comments