Negosyante pinosasan sa bentahan ng bato

Arestado ang isang negosyante matapos mahulihan ng pinaghihinalaang shabu sa isinagawang anti-illegal drug bust ng mga Philippine Drug Enforcement Agency-Region 2 (PDEA-R2) sa Tuguegarao City, Cagayan noong Lunes.

Ayon sa PDEA-R2, hindi muna kinilala ang 48-anyos na suspek, isang businessman sa nasabing siyudad.

Sa imbestigasyon, bago ang operasyon, nakatanggap umano ng intelligence information ang mga operatiba na nakatakdang magbenta ng shabu ang suspek sa Barangay Balzain East, Tuguegarao City.

Dito, agad nagsagawa ng buy-bust ang PDEA-R2. Isa ang umaktong shabu buyer na siyang pumosas sa suspek habang inaabot ang illegal na droga.

Nakuha sa suspek ang anim na plastic sachet ng shabu na nagkakahalagang P47,500 at marked money.

Napag-alaman na maliban sa pagiging businessman at tulak, ang suspek ay nabibilang sa Regional Priority number 10 high value individual.

Dinala ang suspek sa PDEA-R2 at kaukulang kaso ang ipinataw sa kanya. (Allan Bergonia)

The post Negosyante pinosasan sa bentahan ng bato first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments