Sundalo bumulagta; 1 pa malubha sa ambush

Patay ang isang sundalo habang malubha naman ang kasama nito nang tambangan sila ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Sultan Kudarat.

Kinilala ang nasawing sundalo na si Army Staff Sgt. Darwin Alaba habang ang sugatang kasamahan nito ay si Pfc. Erwin Villa, pawang nakatalaga sa 1st Brigade Combat Team ng Army.

Ayon sa ulat ng Sultan Kudarat Municipal Police Station, magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima nang paputukan sila ng riding in tandem na nakaabang na sa kanilang pagdaan sa Sitio Sandakan, Barangay

Dalumangcob, Cotabato-Davao Highway, Sultan Kudarat bandang alas 11:45 nang tanghali noong Biyernes.

Agad namatay si Alaba dahil sa mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan. Nagtamo rin ng mga tama ng bala si Villa pero nakaligtas ito at ginagamot ngayon sa ospital.Sina Alaba at Villa ay mga kasapi ng 1st Brigade Combat Team ng Philippine Army na ang headquarters ay nasa Barangay Pigcalagan sa Sultan Kudarat, hindi kalayuan sa kung saan sila na ambush.

Patungo sana sa sentro ng Cotabato City ang dalawa nang tambangan sila ng mga suspek.

Patuloy na iniimbestigahan ang insidente para sa pagkakakilanlan ng mga suspek.(Edwin Balasa)

The post Sundalo bumulagta; 1 pa malubha sa ambush first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments