Ramdam na nga ng mga residente sa mga EMBO barangay kung gaano kasarap maging Taguigeño.
Mantakin mo ba namang katakot takot na benepisyo na ang kanilang natanggap, matapos na huling ianunsyo ng Korte Suprema na talagang nasa hurisdiksyon ng Taguig ang nasabing 14 barangay.
Hindi pa man nagsisimula ang pasukan ay naramdaman na ng mga bagong Taguigeño ang alagang TLC nang matanggap nila ang magagandang uniporme at sapatos para sa kanilang mga anak.
At usap-usapan din ito na ang pinakamahalagang nangyari ay tamang sukat ng mga bata ang tinanggap, hindi kagaya ng mga natanggap ng mga residente sa Makati na naging dahilan pa nga ng pag-alsa ng maraming magulang sa social media laban sa pamunuan ng lungsod ng Makati.
Bukod pa sa mga bonggang uniporme at sapatos ay nakatanggap din ng mga school supply ang mga bagong chikiting ng Taguig.
Ngunit hindi pa nagtatapos diyan ang pagbuhos ng mga biyaya sa mga bagong Taguigeño.
Ito ay dahil maging ang mga senior citizen na may edad 60 hanggang 99 ay nakatanggap na rin ng birthday cash gifts—mula P3000 hanggang P10,000, depende sa edad.
Tumataginting naman na P100,000 ang natanggap ng kada centenarian na nagdiwang ng kanilang kaarawan.
At syempre, dahil mahalaga sa administrasyon ni Mayor Lani Cayetano ang kaginhawaan ng mga Taguigeño, ay mismong ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ang nagpunta sa mga bahay ng mga lolo at lola ng Taguig upang ibahagi ang mga nasabing birthday cash gift.
Pati ang mga bagong Taguigeño na nag-aaral sa kolehiyo ay nabiyayaan din.
Halos 400 ang nakatanggap ng scholarship allowance sa ilalim ng Lifeline Assistance for Neighbors In Need o LANI.
Bongga naman kasi sa Taguig dahil pito ang inaalok nitong scholarship sa ilalim ng LANI program, kung saan ang mga kwalipikadong estudyante ay nakatatanggap ng mula P15,000 hanggang P110,000 kada taon.
Bukod sa allowance ay nakakakuha pa ng karagdagang P5,000 ang isang benepisyaryo kung ang kaniyang semestral average ay hindi bababa sa 88.75, hindi ba’t ang bongga?
Unang batch pa lamang ito ng mga LANI scholar sa mga EMBO barangay, kaya’t inaaasahan na marami pang estudyante ng mga nasabing lugar ang makakaranas ng mga benepisyo sa ilalim ng programa.
Maging mga may sakit at higit na nangangailangan sa buhay sa mga EMBO barangay ay nakabahagi na rin sa katakot takot na biyaya na binubuhos ng lokal na pamahalaan sa mga Taguigeño.
Hindi lamang tulong medikal, kundi pati na rin ng cash at non-cash assistance mula sa Probinsyudad na makakatulong ng malaki sa pag-angat ng kanilang pamumuhay.
Tunay na nauunawaan na nga ng mga residente sa EMBO barangays na iba magmahal ang Taguig.
Kaya maraming taga-EMBO ang abot -tenga ang ngiti dahil sa mga kapaki-pakinabang na benepisyong tinatanggap!
The post Buhos biyaya first appeared on Abante Tonite.
0 Comments