3 sundalo in-armalite ng kabaro saka nag-suicide

Apat na miyembro ng Philippine Army (PA) ang nasawi sa naganap na pamamaril at pagkitil sa sariling buhay ng isa nang magtalo sa kanilang `duty’ habang nasa inuman sa Barangay Viewpoint, Banaue, Ifugao noong Linggo.

Kinilala ni Banaue Police Station (BPS) chief-of-police P/Maj. Richard Ananayo, ang nasawi na sina Staff Sgt. Andrew Dulnuan; Civilian Active Auxiliary (CAA) Alfone Maguiwe, CAA Sanny Bumad-ang, at CAA Jebilie Banghuyao.

Sa report, sinabi ni Ananayo, na si Banghuyao ang bumaril sa tatlo niyang kasamahan sa loob ng kanilang kampo sa Barangay Viewpoint sa nasabing bayan.

Ayon sa pulisya, matapos barilin ang tatlong kasamahan gamit ang M16 armalite rifle, nagbaril din umano sa sarili si Banghuyao.

“Nagkaroon ng inuman sa mess hall nila. May naungkat na isyu regarding sa duty-han nitong mga Civilian Active Auxiliary. Sabi ni SSG. Andrew Dulnuan sa suspek, pag-usapan nila kinabukasan na para mas maipaliwanag sa kaniya kung bakit ganoon ang sistema ng duty-han nila,” ani Ananayo.

Pero sa halip na makinig, kinuha umano ni Banghuyao ang kanyang armalite at pinaputukan ang mga kabaro at pagkatapos ay itinutok umano ng suspek ang baril sa sarili at saka kinalabit ang gatilyo.

Wala pang pahayag ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa nasabing insidente.

(Allan Bergonia)

The post 3 sundalo in-armalite ng kabaro saka nag-suicide first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments